Home » Archives » April 2005
talangka
April 20, 2005
madaming klase ng talangka… bihira lang ako kumain ng talangka sa buhay kong ito bihira din ako makakilala ng talangka ang talangka hindi masyado marunong maglangoy… ang talangka kapag nasa timba…
may talangkang payapang naglalakad sa dalampasigan
may talangkang nasa bilao at nakabilad na itinitinda sa palengke
may talangkang paboritong pulutan ng mga lashengero sa kanto
at mayroon namang talangkang mahilig manghatak pababa
para lang makaabot sa taas…
stepping stone ka kumbaga!
kase hindi ako mahilig sa talangka!
una sa lahat, wala itong kalaman-laman…
ni hindi man lang ako mabubusog pag-eto ang ulam.
kung meron man, di ko alam na talangka ka pala
dahil hindi ako utak talangka,
kaya di ako nag-iisip na parang talangka.
kaya mahilig siya manghatak para makaahon
…buti na lang marunong ako maglangoy.
nag-aambisyong maka-angat sa iba
(ni hindi nga yan papayag na maangatan ng iba)
at makalabas sa kinalalagyang timba.
kaya may ugali yang manghatak ng iba
para lang makaakyat at makalabas sa kinalalagyan.
pero kadalasan hindi niya naabot ang tagumpay…
sa totoo lang walang saysay ang kanyang pinaghirapan
dahil hindi maganda na ang kapwa ay tapakan
kaya may karma ka rin, talangka!
dahil sa likod mo ay may isa pang talangka.
dukhang pinoy
April 3, 2005
Marami ang nagsasabi na naghihirap na nga ang mga Pinoy. Ang sabi ko naman, Ooows di nga! 1. Una, pag pasko, ang hirap mag-diet! kahit saan ako lumingon e may pagkain, kaya naman di ko mapigil ang sarili ko sa kakakain. Sigurado ako sa inyo ganyan din. Aber, pano mo masasabi na naghihirap ang pinoy sa dami ng pagkain sa paligid. ang totoong naghihirap halos di na kumakain dahil walang makain! 2. Tapos pag fiesta halos pumutok na ang tyan ko sa ilang ulit na pagkain ng pananghalian at hapunan dahil sa mga handa ng kapitbahay! lalo na pag fiesta ng Sto. Niño sa Tondo! di na makapasok ang mga jeep sa tindi ng pagce-celebrate nila. Grabe don, street party! Goshes! umaapaw na handaan at inuman. 3. Pinas ang tinaguriang text capital ng mundo. Lahat na ata ng tao dito e may cellphone na! Bata, matanda, mahirap, mayaman, may ngipin o wala may cellphone. kung totoo ngang nag hihirap ang pinoy, e bakit pa naa-afford ng karamihan ang bumili ng cellphone at magtext maya’t maya. 4. Nung nauso ang 24/7 call & text unlimited ng Sun Cellular, o di ba? ang daming kumagat at ang dami ding nag-post sa friendster ng kanikanilang number. eto pa, halos lahat ng kilala ko na may Sun dalawa ang cellphone! ung isa sa luma nilang number at ung isa naman ay pang tawag lang sa Sun. o ha! mahirap ba yan? (actually isa na ako dito, pero in fairness di naman ako nag-post ng number ko sa friendster!) 5. Pag-sale sa SM, halos nagmimistula itong divisoria sa dami ng tao! At hindi lang sila basta nagpapalamig o namamasyal! Nagsho-shopping sila! Sosyal! 6. Pag may buy 1 take 1, ang ugali ng pinoy kahit hindi kailangan nung take 1 e mas pipilian pa nyan bilin kung san makakalamang. pero pag-uwi sa bahay pamimigay lang ung sobrang isa kase nga naman (for example 50 php ang isa tapos pag dalawa 70 php) malaki daw ang natitipid kung dalawa na ang bibilin. Pero tanong lang? isa lang naman ang kailangan mo di ba? para san ung isa? nakatipid ka ng lagay na yan ? Mahirap na nga ngayon ang buhay, opinion lang… Talaga lang ha!


