Home » Post Item » talangka
talangka
April 20, 2005
madaming klase ng talangka… bihira lang ako kumain ng talangka sa buhay kong ito bihira din ako makakilala ng talangka ang talangka hindi masyado marunong maglangoy… ang talangka kapag nasa timba…
may talangkang payapang naglalakad sa dalampasigan
may talangkang nasa bilao at nakabilad na itinitinda sa palengke
may talangkang paboritong pulutan ng mga lashengero sa kanto
at mayroon namang talangkang mahilig manghatak pababa
para lang makaabot sa taas…
stepping stone ka kumbaga!
kase hindi ako mahilig sa talangka!
una sa lahat, wala itong kalaman-laman…
ni hindi man lang ako mabubusog pag-eto ang ulam.
kung meron man, di ko alam na talangka ka pala
dahil hindi ako utak talangka,
kaya di ako nag-iisip na parang talangka.
kaya mahilig siya manghatak para makaahon
…buti na lang marunong ako maglangoy.
nag-aambisyong maka-angat sa iba
(ni hindi nga yan papayag na maangatan ng iba)
at makalabas sa kinalalagyang timba.
kaya may ugali yang manghatak ng iba
para lang makaakyat at makalabas sa kinalalagyan.
pero kadalasan hindi niya naabot ang tagumpay…
sa totoo lang walang saysay ang kanyang pinaghirapan
dahil hindi maganda na ang kapwa ay tapakan
kaya may karma ka rin, talangka!
dahil sa likod mo ay may isa pang talangka.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


