Home » Post Item » "i wanna be a supermodel"
"i wanna be a supermodel"
February 1, 2008“I don’t care what my teacher says
I’m gonna be a supermodel
And everyone is gonna dress like me
Wait and see
When I’m a supermodel…”
First stanza yan ng paborito naming kanta ng best friend kong si kookaii, when were in high school. Inspired by the movie “clueless” (ang corny noh, yan ang usong movie nun, ‘di ka in pag ‘di mo pa napanood yan!), sabay naming pinanangarap na maging ka level sina tyra banks at naomi campbell (sama mo na rin si alek weck).
Late November last year when Kitten (also a high school friend, now works for a bridal magazine) texted me, pictorial daw…
“saan?”
”…San Juan.”
“kelan?”
“ …bukas. bring white tube, hair and make-up lang for tatin’s story…”
“Sigurado ka? ako?”
“Oo ikaw!”
Hmmmm… “Sure! experience lang!”
The next day, I asked Mark (seatmate ko sa office), na ihatid ako sa studio after the show.
Late na ko nun,walang kasama, walang kausap.
Pinaupo na ako sa harap ng salaming maraming ilaw para ayusan… pang-model!
Nakakahiya. Ako lang ata ang hindi model. Ang galing nilang mag-pose.
Nyaiks… wala akong tube. Hmmm… improvise! Tinupi ko yung sando ko. Presto! Tube na!
Ako na… ‘di ko alam gagawin. Buti na lang magaling mag-motivate yung photographer. Ang gaganda ng picture ko sa monitor.
Next session… ako na uli. Motivated na. Parang manikang madaming nakatutok, sinisuklayan, minemake-upan, inaayusan… sarap ng feeling…
Iingitin ko si kookaii.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.



